GMA Logo SB19 band
Photo by: @SB19Official
What's Hot

SB19, mainit na sinalubong ng fans sa Los Angeles, California

By Aimee Anoc
Published November 10, 2022 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 band


Nasa Los Angeles, California na ngayon ang SB19 para sa kanilang WYAT world tour.

Matapos ang matagumpay na concert sa New York City, nasa Los Angeles, California naman ngayon ang phenomenal Pinoy band na SB19. Ito ang ikatlong destinasyon ng kanilang WYAT (Where You At) world tour na gaganapin sa Avalon Hollywood sa Sabado, November 12.

Noong Miyerkules, November 9, mula New York ay lumipad papuntang LA ang grupo kung saan sa airport pa lamang ay mainit na silang sinalubong ng kanilang fans.

Masaya namang nagpakuha ng litrato ang SB19 sa A'TIN hawak ang mga bulaklak at regalong ibinigay sa kanila. Nagpapasalamat din ang grupo sa mainit na pagtanggap na ito.

Ayon sa P-pop group, may bago silang sorpresa na dapat na abangan ng fans sa next stop nila sa San Francisco sa November 18.

Noong Setyembre, inilabas ng SB19 ang pinakabago nilang single, ang "WYAT (Where You At)," na mayroon ngayong mahigit 2.8 million views sa YouTube.

MAS KILALANIN ANG P-POP BOY GROUP SB19 SA GALLERY NA ITO: