
Habang ginugunita ng Pilipinas at Simbahang Katoliko ang Kuwaresma, naghanda ang GMA-7 ng mga programa na magbibigay ng inspirasyon at aantig sa ating mga puso sa parating na Maundy Thursday (March 28), Good Friday (March 29), at Black Saturday (March 30).
Narito ang mga programang matutunghayan sa GMA-7 ngayong Black Saturday.
Ma-inspire sa kuwento ng buhay ni Jesus mula sa pananaw ng mga bata sa The Story of Jesus for Children, 6:00 a.m.
Pumasok sa mundo ng puno ng mahika at hiwaga sa back to back animated movies na Dragonlance: Dragons of Autumn Twilight, 7:30 am, at Wonder Park, 9:00 a.m.
Mag-solve naman ng mysteries kasama ang Mystery, Inc. sa Scooby-Doo, 10:30 a.m.
Para sa mahilig sa superhero movies, nariyan ang Superman Returns na pinagbidahan ni Brandon Routh, 12:00 p.m.
Susubukan namang hanapin nina Smurfette, Hefty, Brainy, at Clumsy ang isang natatagong bayan na may mga Smurfs din na tulad nila sa Smurfs: The Lost Village, 2:00 p.m.
Magtatapos naman ang epic adventure ni Bilbo Bagginsa sa The Hobbit: The Battle of Five Armies, 3:00 p.m.
Isasama naman tayo ni Chef JR Royol para tuklasin kung saan galing at paano inihahanda ang paborito nating mga pagkain sa Farm to Table, 5:30 p.m.
Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng GMA Network ng "serbisyong totoo" sa flagship news program na 24 Oras, 6:30 p.m.
Star-studded cast at nakakaantig na kuwento ang dala ng family drama film na Seven Sundays, 7:00 p.m.
Huwag naman palampasin ang isa sa most iconic at much-loved films ng dekada 90, ang Forrest Gump, 9:00 p.m.
Tumutok din sa isang dokumentaryo na pupukaw sa ating mga isipan sa Brigada, 11:15 p.m.
Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Maundy Thursday dito.
Silipin din ang listahan ng GMA-7 programs para sa Good Friday dito.
Magbabalik naman ang regular programming sa Easter Sunday, March 31.
Have a blessed Holy Week, mga Kapuso!