GMA Logo Sef Cadayona
Source: sefcadayona (IG)
What's on TV

Sef Cadayona, lumapit sa Panginoon para malabanan ang depresyon

By Kristian Eric Javier
Published November 16, 2025 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Meralco seeks bids for 600-MW power supply deal
Miss Universe PH Bea Millan-Windorski joins dental mission for indigenous people
Raps filed vs minor in Tacloban school shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona


Humingi ng spiritual help si Sef Cadayona sa Panginoon para malabanan niya ang depresyon.

Aminado ang Kapuso actor at comedian na si Sef Cadayona na may pinagdaanan siyang kalungkutan at depresyon. Umabot na umano sa puntong gusto na niyang matapos ang lahat. Ngunit napigilan niya ito dahil sa “intimate dates” na nagkaroon sila ng Panginoon.

Sa pagbisita ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, November 14, ikinuwento niya ang pinagdaanang depresyon.

“Sabi ko, 'Ah, totoo pala 'yung sinasabi nila, when loneliness and depression hits, ang hirap niyang kalaban. Ang hirap niyang kalaban na I have to be okay kasi kailangan dalawa kami as parents na tulungan na palakihin si Anya,” sabi ni Sef.

Dahil sa kanyang anak, at sa pagbanggit nito sa pangalan ng kanyang Lola Meng, tila nabuhayan si Sef. Kinuha niya ito bilang isang sign mula sa kanyang lola na kailangan niyang kayanin ang lahat para sa kaniyang anak.

KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAGING BUKAS SA PINAGDAANAN NILANG DEPRESSION SA GALLERY NA ITO:

Dahil sa naikuwento niya, tinanong siya ni King of Talk Boy Abunda, “Ngayon sa kuwento mo, because mental health is a problem na kailangang harapin hindi lang natin, pero ng mga nagmamasid sa atin. It is real. Did you seek professional help?”

Sabi ni Sef, humingi siya ng tulong, pero hindi professionally. “I would call it intimate dates.”

Paliwanag ng aktor, “Kapag tahimik na ang bahay, nakatulog na 'yung bata and mag-isa ako, dasal, sobrang lakas, sobrang lakas na dasal na I turned my questions from 'Why is this happening to me now?' to 'Help me understand.'”

Dito rin napagtanto ni Sef na hindi niya dapat kinukwestyon kung bakit nangyayari ang mga bagay sa kanya. Sa halip, ang dapat umano niyang ginagawa ay hilingin na mas maintindihan pa kung bakit niya kailangan pagdaanan ang isang bagay.

“When challenges are going into your way. 'Wag ida-doubt ang Panginoon na 'Bakit ganito?' kundi 'Lord, paintindi po ano po 'yung dulo na kailangan kong pag-igihan. Kung ito po 'yung problemang nabigay sa akin, pakitulungan lang po akong intindihin paano ko po ito masosolusyonan,'” sabi ni Sef.

Sa huli, inamin ni Sef na kinailangan pa nilang maghiwalay ni Nelan, masabi ni Anya ang pangalan ng kanyang Lola Meng, at maalala mula sa kanyang lola na hindi siya nag-iisa para makaahon siya sa depresyon.

“Parang naisip ko na ayokong palampasin 'tong pagkakataon na 'to na pinaintindi sa 'kin na ito 'yung mga kakayahang binigay ko sa 'yo, na you have to make use of it. And you have to nurture it, if you can teach it to others, you can, kahit ano. Gamitin mo,” sabi ni Sef.