
Napasabak sa matinding fight scenes si Sparkle actress Shaira Diaz sa pilot episode ng tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Sa serye, napanood si Shaira bilang ina ni Isa (Kylie Padilla) at isang PBI agent na napalaban sa mga sindikato para iligtas ang anak.
Maraming manonood ang humanga sa husay ng action scenes ni Shaira.
Maging ang lead stars ng Taskforce Firewall na sina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix ay bumilib sa fight scenes ni Shaira.
"Ang galing ni Ate Shaira," sabi ni Miguel sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras. "Sobrang solid."
Paghanga ni Kylie, "As someone na marunong tumingin ng fight scenes, siyempre, na-train ako 'di ba, maganda 'yung fight scene."
Ayon pa kay Miguel, wala silang stunt doubles sa show. Aniya, "Speaking of no doubles, ito talaga 'yung show na ayaw namin sa double. Gusto namin as much as possible kami 'yung gagawa."
Ibinahagi rin ni Jak Roberto ang magagandang komentong nabasa mula sa netizens.
"Nakita namin 'yung mga comments and lahat naman positive. Gustong-gusto nila 'yung cinematograhy, lalo na 'yung eksena ni Shaira na walang cut, ang hirap nun," sabi ng aktor.
Dagdag ni Kyline Alcantara, "Kung sa first episode pa lang ay ganito na, paano pa kaya sa mga susunod na episodes, sa mga susunod na weeks, sa mga susunod na months. So, I'm just very proud of this project, and I hope na abangan n'yo po talaga siya every single night."
Panoorin ang Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
KILALANIN ANG MGA BIDA NG TASKFORCE FIREWALL DITO: