GMA Logo Shaira Diaz
Celebrity Life

Shaira Diaz, ipinasilip ang BTS ng kanyang birthday shoot

By Marah Ruiz
Published May 15, 2025 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Ipinasilip ni Shaira Diaz ang behind the scenes ng kanyang 30th birthday shoot.

Ipinagdiwang ni Kapuso actress Shaira Diaz ang kanyang 30th birthday noong nakaraang May 3.

Para sa bagong milestone na ito sa kanyang buhay, nagkaroon si Shaira ng espesyal na birthday shoot.

SILIPIN ANG SPECIAL 30TH BIRTHDAY SHOOT NI SHAIRA DIAZ DITO:

Ibinahagi din ni Shaira ang behind the scenes ng kanyang birthday shoot.

Si Kim Montes ang photographer sa likod ng mga bagong portraits ng aktres. Si Toni Aviles naman ang hair stylist at makeup artist niya, habang si Miss Keith naman ang fashion stylist ng shoot.

Sa The Villa Studios sa Cornerhouse sa San Juan naman ginanap ang shoot.

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_)

Bahagi si Shaira ng action drama series na Lolong: Pangil ng Maynila na pinagbibidahan ni primetime action hero Ruru Madrid.

Sa set ng programa na inabutan si Shaira ng mismong araw ng kanyang kaarawan kaya nakatanggap siya ng munting sorpresa mula sa mga katrabaho niya dito.

Gumaganap siya sa serye bilang Elsie, ang kasintahan ng karakter ni Ruru na si Lolong.

Mas intense na ang mga eksena ni Shaira ngayong naaalala na ni Elsie ang kanyang nakaraan.

Sa katunayan, nauubos ang lakas niya sa pagkuha ng mga eksena kung saan pinagmamalupitan siya ng karakter ni Martin del Rosario na si Ivan.

Patuloy na panoorin si Shaira Diaz bilang Elsie sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.