
Kitang-kita ang saya nina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos nang muling makasama at mayakap ang isa't isa.
Sa Instagram, ipinakita ng Megastar ang muling pagkikita nila ni Judy Ann sa selebrasyon ng 18th birthday ni Yohan, ang panganay na anak nina Judy Ann at Ryan Agoncillo.
"Pinakamamahal na kapatid at kaibigan habangbuhay at hanggang kabilang buhay," sulat niya.
Ibinahagi rin ni Sharon ang masayang moment nila ni Judy Ann habang nasa runway ng debut party ni Yohan, kung saan makikita sa mga larawan kung gaano nila na-miss ang isa't isa.
Kasama ring dumalo ng Megastar sa party ang asawang si Kiko Pangilinan at tatlong anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.
Matagal na ang pagkakaibigan nina Sharon at Judy Ann. Parehong bumida ang mga ito sa pelikulang Magkapatid taong 2002.
KILALANIN ANG PANGANAY NA ANAK NINA RYAN AGONCILLO AT JUDY ANN SANTOS NA SI YOHAN SA GALLERY NA ITO: