GMA Logo Shayne Sava
What's Hot

Shayne Sava, nakapagpundar na ng bahay para sa kanyang pamilya

By Marah Ruiz
Published May 23, 2022 1:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Raffy Tulfo expresses concern over NAIA Terminal 1 ceiling collapse
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Shayne Sava


Kasalukuyang nang nagpapagawa ng bahay si Shayne Sava para sa kanyang pamilya.

Very motivated na magtrabaho ngayon si Kapuso actress at StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor Shayne Sava.

Kasalukuyan kasing nagpapagawa ng bahay para sa kanyang pamilya ang young actress.

Lagi lang daw silang umuupa noon kaya nang makaipon, siniguro niyang isa sa unang ipupundar ang sarili nilang tahanan.

"Ayun po 'yung isa sa very kinikilig ako kasi finally mayroon na 'kong sariling bahay. Siyempre, pinapagawa pa po ngayon so hindi pa po kami makakalipat. Pero ayun po, very thankful po talaga ako sa lahat ng sumusuporta sa akin," masayang kuwento ni Shayne.

Sa murang edad, breadwinner na ng pamilya si Shayne kaya wala raw siyang mga personal na luho.

"Ito po 'yung mga naipon ko na sa mga projects. 'Yung napanalunan ko po [sa StarStruck], nagamit ko na 'yun during pandemic kasi siyempre walang work, natengga tayo for ilang months," paliwanag niya.

Napapanood ngayong si Shayne sa GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay kasama ang veteran actress at comedienne na si Aiai Delas Alas.

"Binibigyan niya 'ko ng fruits, ng mga watermelon kasi parehas po kaming mahilig sa mga prutas. Parang nanay po talaga siya [sa akin]. Until now, nagkukumustahan kaming dalawa. Sobrang thankful po talaga ko na nakilala si Mamay in person," pahayag ni Shayne tungkol sa co-star.

Panoorin ang buong interview ni Cata Tibayan kay Shayne sa video na ito.

Samantala, mas kilalanin pa ang promising young actress na si Shayne Sava sa gallery na ito: