GMA Logo Sheena Lee Palad and Renz Verano
What's on TV

Sheena Lee Palad, binalikan ang komento sa kaniya ni Renz Verano sa 'Tanghalan ng Kampeon'

By Maine Aquino
Published April 15, 2024 10:37 AM PHT
Updated April 15, 2024 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sheena Lee Palad and Renz Verano


Sheena Lee Palad: "Gusto ko pa po siyang higitan."

Binalikan ng unang grand finalist ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock na si Sheena Lee Palad ang isang komento na tumatak sa kaniya mula sa inampalan.

Sa kaniyang exclusive interview sa GMANetwork.com, sinabi ni Sheena na ang komentong ito ay mula sa judge o inampalan na si Renz Verano.

PHOTO SOURCE: @sheenaleesp

Ayon kay Sheena, ang pagiging consistent ang kaniyang natatandaan mula sa OPM hitmaker.

Ani Sheena, "'Yung sinabi po ni Sir Renz na consistent. Yung word na consistent, hindi po siya a safe word for me but actually a challenge for me kasi 'pag sinabi mong consistent it can be negative and it can also be positive."

Dugtong pa ni Sheena, napaisip sia sa tunay na kahulugan nito.

"Siyempre bilang girl, nag-o-overthink ako, and I want to make it a positive thing. Kumbaga, hindi ko napiga masyado kung ano 'yung gustong sabihin talaga ni Sir Renz. Hindi ko alam kung it's a negative or a positive thing. But I am taking it a positive thing. Gusto ko pa po siyang higitan 'yung sinabi niyang consistent.

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Isa pang komento mula sa inampalan kay Sheena ay "binigyan mo kami ng bago." Naging makahulugan ito kay Sheena bilang mang-aawit.

"'Yung next po is binigyan mo kami ng bago. 'Yun 'yung sinabi ni Sir Renz na naalala ko. Na everytime na lumalabas ka or everytime na kakanta ka na hindi nila ine-expect na gagawin ko 'yun. And I want to continue 'yung ganoong expectation nila sa akin na mayroong ipapakita si Sheena na hindi niya pa napapakita before."

Ayon pa sa "Tanghalan ng Kampeon" grand finalist, gagawin niya ang lahat para sorpresahin ang mga manonood sa kaniyang mga darating na performance.

"Consistent na yes ganoon siya, na hihigitan pa. Ganoon po 'yung maipakita sa mga Tiktropa na everytime na lalabas ako sa screen ninyo it's another version of Sheena that you'll be seeing. It's not the Sheena as always."

Paliwanag pa ni Sheena, umaasa siyang makapagbigay ng magandang performance kapag sumalang siya sa grand finals.

"I want to prove that with a consistent amazing and excellent performance. I hope na mapanindigan ko siya in the grand finals."

Panoorin ang "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network at GTV.

Maaari ring abangan ang kulitan at pamimigay ng blessings ng TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.