GMA Logo shirley kuan and bea alonzo
Cinema Bravo (Facebook), @beaalonzo (Instagram)
What's Hot

Shirley Kuan, suportado ang personal life ni Bea Alonzo: 'I was happy for her'

Published August 24, 2026 8:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Police officer killed chasing gun tunners in Pagadian, Zamboanga del Sur
Maestra sa Danao City, Nag-sorry sa Comment sa Social Media Batok USEC Castro | Balitang Bisdak
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News

shirley kuan and bea alonzo


“I was happy for her and I was gonna make it really easy for her,” pagbabahagi ng dating manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan.

Binasag ng veteran talent manager na si Shirley Kuan ang kanyang katahimikan sa isang press conference para linawin ang mga pambabatikos at rumors tungkol sa kanya kaugnay ng former talent na si Bea Alonzo.

READ: Shirley Kuan reveals reason for resignation as Bea Alonzo's manager

Kabilang sa mga nilinaw ni Shirley ay ang pagsuporta niya sa personal na buhay ng kanyang dating alaga. Ayon sa batikang talent manager, handa siyang tulungan si Bea sa karera nito upang mas mabigyan ng oras ang personal life ng aktres.

“I was giving her time kasi, of course, she needs to develop her relationship. Kasi gusto ko talaga she settles down na and I keep telling her, 'Sana magka-anak ka na. I need you to settle down,' ganyan. That's what she also wants. So I was happy for her, and I was gonna make it really easy for her, an easy process and an easy journey,” pagbabahagi niya sa ilang piling entertainment media nitong Lunes, August 24.

Ayon kay Shirley, nagboluntaryo pa siya kay Bea na maaari niyang kausapin ang GMA Network upang maagang matapos ang kontrata nito para mabigyan ng mas maraming oras ang kanyang personal na buhay. Gayunman, hindi naman pumayag ang aktres dito.

Patuloy niya, “In fact, nung alam kong nagkakaigihan na sila [Vincent Co, asawa ni Bea] and all that, meron pa kaming obligasyon sa GMA. I even volunteered. 'Bea, gusto mo pang mag-taping?' I even volunteered.

"I want her to have more time for her personal life. So ako, ang sabi ko, 'Gusto mo, kaya ko naman kausapin ang GMA to pre-terminate your contract and I'll make sure that walang penalty.' May paraan naman, e. Hindi siya pumayag because she wants to earn income.

“Ako, nag-volunteer ako. All for her, for her happiness, everything yun. Hindi ko kine-kwestyon 'yung mga schedule, I never do that. Basta yung schedule lang namin, MWF 'yung taping, mga ganon, shooting for endorsement, yun lang.”

READ: Shirley Kuan, mariing itinanggi na may kinalaman siya sa pagkakansela ng kasal ni Bea Alonzo sa Spain

Ipinaliwanag din ni Shirley na hindi siya nakikialam sa personal relationship ng kanyang dating talent.

"Ni-hindi nga kami ka-chika, lumayo nga ako e. I don't want to know any of her stories because kapag may lumabas na naman sa media, ako na naman ang may kasalanan.

"So I really kept my distance. I'm not even calling her, 'Uy, ano'ng chika? Ano ng balita sa inyong dalawa? Nagkaka-igihan na kayo.' Never, I never did that," saad niya.

Ibinahagi rin ni Shirley binitawan na niya ang pagiging manager kay Bea noong August 11. Sa ngayon, tumatayong interim manager ni Bea si Chris Cahilig.

Related gallery: Bea Alonzo shares wedding photos with Vincent Co