GMA Logo shuvee etrata
Source: Unang Hirit, gmapublicaffairs/YT
What's Hot

Shuvee Etrata, sa kanyang 'PBB' Big 4: 'Lahat deserving, pero...'

By Kristian Eric Javier
Published June 20, 2025 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

shuvee etrata


Alamin kung sino ang sinusuportahan na housemate duo ni Shuvee Etrata sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

Kasunod ng paglabas nina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman sa huling eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, palapit na rin nang palapit ang Big Night, kung saan matutunghayan na kung sinong Kapuso at Kapamilya stars ang tatanghaling big winners.

Ngunit meron na kayang napupusuan ang Island Ate ng Cebu na Big Four?

Sa pagbisita ni Shuvee sa Unang Hirit ngayong Biyernes, June 20, isa sa mga tanong sa kaninya nina Suzi Entrata at Shaira Diaz ay kung sino para sa kaniya ang karapat-dapat na maging Big 4 duos.

“Lahat sila, deserving naman talaga. Alam ko po, lahat po ng nandu'n, pamilya ko po, so ayon, happy po ako. Pero, I'm rooting for CharEs,” dagdag ng Sparkle star na tinutukoy ang duo nina Charlie Fleming at Esnyr.

Aniya, bagay ang kaniyang dalawang former housemates bilang magkaduo dahil nako-compliment nila nag isa't isa.

BALIKAN ANG PBB EVICTEES-TURNED-HOUSEMATE-CHALLENGERS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ilang fans na naimbitahan sa set ang nag-chant ng pangalan ni Shuvee bilang big winner, ngunit sabi ng Kapuso actress, “Wala na tayo doon, guys! Tapos na 'yun.”

Sa parehong interview, ibinahagi ni Shuvee na isa si Esnyr sa mga naging malapit sa kaniya na housemate, kabilang na ang ka-duo niyang si Klarisse, at ang kapwa Kapuso star na si Vince Maristela.

Dahil nahuli siya ng isang buwan sa pagpasok sa Bahay ni Kuya, nakabuo na ng bonding ang mga naunang housemates. Kaya nahirapan siyang makihalubilo at mag-adjust sa kanila, lalo na at nakabuo na ng relasyon ang mga nauna sa loob.

Ngunit aniya, nakahanap din siya ng “comfort people” kina Klarisse, Esnyr, at Vince, “Naging totoo na 'ko. Wala na akong pakialam, and they loved me for who I am.”