GMA Logo Sid Lucero at Ariella Arida
What's Hot

Sid Lucero at Ariella Arida, matinding drama ang ipapamalas sa 20th anniversary ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published August 24, 2022 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Sid Lucero at Ariella Arida


Abangan sina Sid Lucero at Ariella Arida sa huling anniversary episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Intense ang mga eksena ngayong Sabado sa anniversary episode ng Wish Ko Lang na "Selos." Ito ay pagbibidahan nina Sid Lucero at Ariella Arida.

Bibigyang buhay nina Sid at Ariella ang totoong kuwento ng buhay ng mag-asawang Anmar at Dayan, na nasira ang pagsasama dahil sa selos.

Labis ang naging pagtitiis ni Dayan sa pagiging seloso ng kanyang mister sa tuwing may nakakasalamuhang lalaki. Kahit wala namang ginagawang masama ang mga ito ay bigla na lamang hinahamon ng away ni Anmar. Dahil din sa sobrang selos, nagagawa ni Anmar na ikulong at bugbugin ang asawa.

Ayon kay Sid, nakaka-relate siya sa 20th anniversary episode na ito ng Wish Ko Lang.

"In the Philippines, a lot of us, a lot of our women, a lot of our families are going through domestic violence for whatever reasons. And I for one grew up to it and it's really damaging. Nakaka-scar siya talaga to young children," sabi ng aktor.

"I think this is a great eye opener and a reminder that nobody should be treated this way at all. Nobody has the right to hurt anybody, nobody deserves this kind of treatment from anybody," dagdag pa niya.

Para naman kay Ariella, marami siyang aral na natutunan dito. Aniya, "Sa totoong buhay may ganu'n pala talagang ka-intense na kind of relationship that can end up in that kind of toxicity. Syempre as a girl ang dami kong natutunan about love."

Makakasama rin nina Sid at Ariella rito sina Tanya Gomez, Joaquin Manansala, Pepita Curtis, Tom Olivar, at Ivan Laurio.

Huwag palampasin ang special episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 27, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA WISH KO LANG DITO: