
Mainit na tapatan nina Liv (Julie Anne San Jose), Amelie (Gabbi Garcia), Sugar (Mikee Quintos), at Yana (Ysabel Ortega) ang masasaksihan ngayong Huwebes sa murder mystery series na SLAY.
Sa teaser na inilabas ng SLAY, ipinatawag ni Liv sina Amelie, Sugar, at Yana para tanungin kung pinagtulungan ng tatlo na patayin ang dating nobyo na si Zach (Derrick Monasterio).
Matapos na tanungin ito ni Liv, kitang-kita ang pagtataka sa mukha nina Sugar at Yana habang seryoso naman si Amelie.
Magkakaaminan na nga ba sina Liv, Amelie, Sugar, at Yana kung sino sa kanila ang salarin sa pagkasunog at pagkamatay ni Zach?
Abangan 'yan sa SLAY ngayong Huwebes, 9:30 p.m. sa GMA Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG SLAY SA GALLERY NA ITO: