
Maraming natutunan at napagtanto ang Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday cast sa nakalipas na ilang buwan habang naka-quarantine. Anila, mayroon silang mga goal na gustong magawa ngayong taon.
Si Snooky Serna ay determinadong gawing prioridad ang pagkakaroon ng healthier at fit body ngayong 2021.
Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres ang kaibigan at co-star niyang si Dina Bonnevie ang naging inspirasyon niya para simulan na ngayong taon ang kanyang “pagbabalik-alindog.”
Source: snookyserna4464 (Instagram)
“Magbalik-alindog. Naks! Para namang may alindog,” biro niya, “Grabe 'yung determination ni Dina na maging healthier and sexier and she would always tell me na mag-walking-walking tayo. Ngayon siguro 2021, I would really really try my best to do that to be a healthier person.”
Pangarap naman ni Dina ang magkaroon ng YouTube channel at i-pursue ang video blogging.
“Ang dami kong ginawang vlog before the pandemic. I had like four vlogs na nagluluto ako, pumunta pa ako sa market. I'd like to have that parang YouTube channel na TikTok-an lang,” aniya.
Dahil sa pandemic, natutunan naman daw ni Barbie Forteza na magtipid at mag-ipon.
“It made [me a] stronger and more responsible adult. I learned to save. Natuto akong maging mindful sa expenses ko, sa income ko,” lahad niya.
Source: dinabonnevie (Instagram)
Samantala, napapanood na sa telebisyon ang fresh episodes ng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday at patuloy na abangan ang matitinding eksenang inihanda ng programa para sa viewers.
Bilang pagsunod sa safety protocols laban sa COVID-19, iniwasan ng cast na magkaroon ng close contact sa isa't isa ngunit sa palitan ng mga maaanghang na linya naman magtatagisan ang bawat karakter sa serye.
“'Pag mismong eksena na tapos medyo mabigat 'yung emosyon ganyan, kailangan mo i-comfort 'yung ka-eksena mo magiging mindful ka, e,” sabi ni Barbie.
Para naman kay Kate Valdez, malaking adjustment ang ginawa nila habang nasa lock-in taping sila. Hangga't maaari ay hindi sila nag-uusap at laging mindful sa social distancing.
“Tsaka po kasi ugali na rin namin magtsikahan, kumain sabay-sabay. Ngayon, hindi na katulad before, malaking adjustment po 'yon,” aniya.
Panoorin ang all new episodes ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad, tuwing alas otso ng gabi.