What's on TV

Kate Valdez, aminadong nahirapan sa pagbabalik-taping ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Felix Ilaya
Published September 17, 2020 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Ano-ano ang challenges na kinaharap ni Kapuso actress Kate Valdez sa pagbabalik-taping ng kanilang show na 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday?' Alamin sa kaniyang kuwento, dito.

Balik-taping na ang Kapuso Primetime drama series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Sa exclusive Kapuso Showbiz News interview ng GMA Network kay Kate Valdez, naikuwento ng young actress ang kaniyang karanasan sa kanilang new normal taping.

Ayon kay Kate, magkahalong saya at kaba raw ang kaniyang nararamdaman ngayong nakabalik na sila sa set. Dagdag pa ni Kate na tila nakalimutan niya na raw kung paano umarte dahil matagal rin siyang nahinto buhat ng pandemic at lockdown.

"Sa totoo lang, medyo nangangapa po ako [laughs]. Para akong bumalik sa umpisa, like from the start ng taping day, parang mag-uumpisa pa lang ulit 'yung show.

"Tatanungin ko 'yung sarili ko, 'Paano ulit umarte?' May part sa 'kin na nagshe-shake ako 'nung nag-take kami last time. Sabi ko, 'Bakit ako kinakabahan?' Iyon pala, siyempre mayroon ngayon nangyayari so 'di na ganoon katulad before 'yung aming set and kung paano kami mag-interact sa co-actors namin," wika ng aktres.

Dagdag pa ni Kate na may added pressure rin daw na matapos nila ang kanilang mga eksena nang maaga alinsunod sa mga new normal taping protocols. Gayunpaman, ginagamit raw ni Kate ang "pressure" na ito para mas pag-igihan pa ang trabaho.

Aniya, "Dapat kapag tumungtong ka na sa set, alam mo na 'yung lines mo para mabilis 'yung process 'nung pag-take. Nakaka-pressure po kasi parang ayaw mo na magkamali, sige take na natin 'to, ayaw ko na magtagal sa set [laughs]. Nakakakaba!

"Which is fun naman dahil hindi kami nale-late din so 'yun ang maganda rin po. Iniiwasan namin magtagal sa set, 'yun ang rule daw sa 'min."

Kate Valdez becomes muse for upcoming horror comic slated for 2021 release

Kate Valdez hits 1 million followers on Instagram