
Feeling blessed at grateful ang social media star na si Sassa Gurl na mapabilang sa 20th anniversary episode ng Wish Ko Lang na "Bintang."
Ayon kay Sassa, hindi pa rin siya makapaniwala sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Wish Ko Lang na makasama sa espesyal na selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng Kapuso show.
"Super happy talaga ako, nakasama ako. Feeling ko kasama ako sa GC [group chat] ng mga producer at saka 'Wish Ko Lang.' Parang, 'Uy, 20th anniversary tapos biglang Sassa Gurl," pagbabahagi ng social media star.
Sa special episode na ito, mapapanood si Sassa bilang si Mima, ang isa sa tatlong kinupkop at itinuring na anak ni Lorna, na gagampanan ng batikang aktres na si Ms. Tessie Tomas.
Sa interview ng Wish Ko Lang, sinabi ni Sassa kung bakit dapat na abangan ang karakter niya sa "Bintang."
"Dapat abangan ang role ko rito dahil siya ang nagbigay ng flavor, siya ang nagbigay ng asim sa kuwentong mapapanood ninyo.
"Super saya at na-enjoy ko ang shoot. Actually challenging siya for me kasi hindi naman talaga ako aktres pero itong Wish Ko Lang na ito, marami akong natutunan. Plakado talaga! So watch in, watch out, and watch me nae nae," pabirong sagot ni Sassa.
Una nang napanood si Sassa Gurl sa "Sakripisyo" episode ng Wish Ko Lang na ipinalabas noong June 12, 2021.
Huwag palampasin ang special episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, August 20, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA WISH KO LANG DITO: