
Happy and grateful ang Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa isinagawang meet and greet sa kanilang fans ng isang sikat na local clothing brand na kanilang iniendorso.
Nangyari ang nasabing meeting with the fans sa isang mall sa Pangasinan nitong Biyernes, December 16.
Sa Instagram, ibinahagi nina Sofia at Allen ang kanilang pasasalamat sa naturang clothing brand na nagbigay daan upang mabigyan sila ng pagkakataon na makita ang kanilang mga tagasuporta.
“Grateful to have experienced a BENCH/ meet and greet. Thank you @benchtm @bcbench. Maraming salamat sa lahat ng Pangasinense na nakisaya kanina! See you again next time BENCH/ babies!” caption ni Sofia sa kanyang post.
Thankful din ang Kapuso young heartthrob na si Allen sa masayang experience kasama si Sofia at kanilang fans.
Aniya, “Sobrang sayang experience. Maraming salamat @benchtm @bcbench! Maraming salamat sa pagmamahal at suporta mga Pangasinense! See you again next time, BENCH/ babies!”
Samantala, mapapanood naman sina Sofia at Allen sa kanilang much-awaited series na Luv is: Caught in His Arms na first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios.
Ang nasabing series ay ang TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na "Caught in his Arms" na bibigyang buhay nina Sofia at Allen kasama ang Sparkada heartthrobs na sina Vince Maristela, Michael Sager, Raheel Bhyria, at Sean Lucas.
SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: