GMA Logo Sofia Pablo, Joaquin Arce
What's Hot

Sofia Pablo, Joaquin Arce, paano pinaghandaan ang pagpasok sa Bahay ni Kuya?

By Kristian Eric Javier
Published October 22, 2025 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Human Dignity in the Digital Age: What Pope Leo XIV's Magnifica Humanitas Means for Filipino Workers in Italy
Samal Island braces for rainy season
Left a lighter in your car? Your old habits could be a major fire hazard

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Joaquin Arce


Alamin ang paghahanda na ginawa nina Sofia Pablo ay Joaquin Arce bago pumasok sa Bahay ni Kuya

Matinding paghahanda ang ginawa ng dalawa sa mga pinaka bagong housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na sina Sofia Pablo at Joaquin Arce.

Sa panayam ni Nelson Canlas para sa 24 Oras nitong Martes, October 21, ipinahayag nina Sofia at Joaquin kung gaano sila ka-excited maging bahagi ng PBB.

Ayon pa sa aktor, malaking fan siya ng reality TV show at napanood niya ang pinakahuling season nito kaya niya sinubukan.

"I'm a fan of the show, I've watched last season, I'm a huge fan of PBB as a show so, I decided, 'Why not give it a try?'" Sabi ni Joaquin.

Samantala, aminado naman si Sofia na malaking bagay para sa kaniya ang maging parte ng PBB lalo na at madalas ay victim umano siya ng misconception at fake news.

"I feel like the people know me for my work, sa mga memes ko. I want them to know me for who I really am," sabi ng aktres.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA 'THE BIG COLLOVE' FAN CON NG 'PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION' SA GALLERY NA ITO:

Sa pagpasok nila sa Bahay ni Kuya, alam umano nina Joaquin at Sofia ang pagdadaanan nilang physical at mental challenges. Kaya naman, ngayon pa lang ay inihahanda na nila ang kanilang katawan at kalooban para sa mga bagay na mami-miss nila sa outside world.

Si Joaquin, habang tahimik sa totoong dahilan, ay nagbibigay umano ng oras para makasama ang mga kaibigan.

"I hang out with as much friends as possible, of course, keeping quiet. But for me, in my mind, 'I'm not gonna see them for a while, parang kailangan ko nang mag-hang out sa family ko, sa mom ko, sa dad ko," sabi ni Joaquin.

Dahil tatamaan ang Pasko at Bagong Taon ng pag-stay nila sa loob ng bahay ni Kuya, hindi rin madali para kay Sofia na iwanan sa labas ang kaniyang ina, lalo na at silang dalawa na lang ang magkasama.

"I think I can never be ready for that kasi again, sa buong buhay ko, I never spent Christmas and New Year away from my mom kasi dalawa lang kami, e. And even si mommy she was crying. If I'm not there, she's gonna be alone," sabi ni Sofia.

Ngunit noong inisip umano nila na kung ang magiging kapalit naman ng isang Pasko at Bagong Taon na hindi sila magkasama ay ang mas makilala pa ng mga tao ang Sparkle star ay okay na rin sa kanila.

"Sugal talaga," sabi ni Sofia.

Panoorin ang panayam kina Sofia at Joaquin dito: