
Mapupuno ng tawanan at kulitan ang Sunday night n'yo kasama sina Boobay at Tekla sa TBATS On The Go! ngayong Linggo, May 3.
Mas le-level up pa ang good vibes mamayang gabi dahil dalawang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates ang makakasama ng ating comedy duo. Ito ay sina Sparkle stars Sofia Pablo at John Clifford.
Base sa inilabas na teaser ng naturang programa, magtutungo sina Boobay at Tekla kasama ang guest celebrities sa Antipolo para makakulitan ang mga Ka-TBATS.
Iba't ibang nakatutuwang laro rin ang kanilang hatid na hindi dapat palampasin ng mga manonood!
Huwag palampasin ang TBATS On The Go! mamayang 10:00 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.