
Magkakasamang ipinagdiwang nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa France ang second birthday ng kanilang anak na si Thylane Katana.
Sa Instagram posts, ipinakita nina Solenn at Nico ang naging selebrasyon sa kaarawan ni Thylane. Ibinahagi rin ng mag-asawa ang kanilang mensahe para sa anak.
Ayon kay Solenn, ang hiling niya para sa anak ay palagi itong maging masaya.
"Happy birthday to the love of my life. You have made the past two years the best of my life. All I want in life is for you to be happy. Shine bright baby girl," sulat ni Solenn para sa anak na si Thylane.
Ikinuwento rin ng aktres kung bakit maraming kandila ang inilagay nila sa cake ni Thylane. "She enjoyed her Mont Blanc so much haha! And yes, many candles since [she] loves to blow them away."
Samantala, ibinahagi naman ni Nico ang larawan ni Thylane habang hinihipan ang mga kandila sa cake nito.
Para kay Nico, nais niya lamang na lumaking mapagkumbaba at mapagbigay ang anak.
"Happy birthday to the one that made us a family! The love of our lives. Keep smiling and being happy, stay humble and kind to others, be yourself and only yourself," hiling ni Nico para sa anak.
"Mama and [El Padre] love you and we will always be there to guide you when you need it! Remember [El Padre] fears nothing and will always protect you. Exception to this rule is Mama, [El Padre] fears Mama," biro ni Nico.
Ilang araw bago ang Pasko, lumipad papuntang Paris sina Solenn at Nico kasama ang anak na si Thylane.
Samantala, tingnan ang cutest photos ni Thylane Katana Heussaff Bolzico sa gallery na ito: