GMA Logo sophie albert and vin abrenica
Celebrity Life

Sophie Albert at Vin Abrenica, nalungkot sa delay ng paglipat sa bagong bahay

By Maine Aquino
Published April 11, 2021 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

sophie albert and vin abrenica


Ayon kina Sophie Albert at Vin Abrenica, January pa dapat sila nakalipat sa kanilang bagong bahay. Alamin dito kung bakit hindi ito nangyari:

Excited man sina Sophie Albert at Vin Abrenica na lumipat sa kanilang bagong bahay ay nakaramdam rin sila ng lungkot at frustration dahil sa aberyang nangyari rito.

Kuwento nina Sophie at Vin sa kanilang latest vlog, January 2021 ang target date nila sa paglipat sa bago nilang bahay, ngunit nausog nang nausog ito.

Saad ni Sophie, "That was our agreement with our developer, kasi we were able to acquire the house in October and it was pretty much done.

"So, my whole pregnancy was stressful because of the house."

Ayon pa kay Sophie, habang naghihintay, nananatili muna sila sa bahay ng kanyang mommy.

"We're still not in our own house. We're still staying at my mom's house it's super duper disappointing kasi dapat January pa kami nakalipat."

Kuwento naman ni Vin, may mga nangyari kung bakit na-delay ang bahay nila ni Sophie.

"Nag-January, February, March. Nagpunta kami sa bahay, nagpunta kami sa site na walang natatapos.

"Can you believe na sa construction kami nagpupunta, buntis si Sophie."

Inamin rin ng aktor na nagpapasalamat siya sa mommy ni Sophie dahil siya ang nakatulong sa kanila sa pagpapatapos ng bahay.

"Buti na lang si mom may experience siya dahil ang dami na niyang pinagawang places."

Sophie Albert and Vin Abrenica

Photo source: Vin & Sophie (YouTube)

Humingi naman ng paumanhin si Vin dahil sa frustrated siya sa nangyari.

Ayon kay Vin, inaasahan niya kasing makakasama niya si Sophie sa pagdala ng kanilang gamit sa bago nilang bahay dahil dito siya nae-excite.

"Sorry kung nagra-rant ako. I just feel so sad. Dapat kasama si Sophie sa journey na to kasi sobrang nag-e-enjoy siya...Alam ko sobrang fun nito para sa kaniya."

"Pati pag-aayos ng nursery ni Avianna. Siyempre, gusto niya siya 'yung nag-aayos.

"Pihikan 'yun sa mga gamit sa bahay kung saan nakalagay 'yung mga gamit gamit.

"So ako, tagabuhat sana, tagalagay lang kung saan niya gusto ilagay 'yung mga gamit.

Ipinakita rin sa video ng celebrity couple ang paglipat ni Vin ng kaniyang mga gamit mula sa kaniyang dating bahay para dalhin sa bago nilang bahay.

Si Vin ay nanatili lamang sa kanyang sasakyan para masiguro ang safety ng kanyang pamilya.

"Safety muna ng baby ko and my family comes first.

"Papanoorin ko lang sila we're talking through the phone ng mga kailangan gawin. Pinapanood ko lang sila."

Pagkatapos maglipat ng mga gamit ay ipinasilip naman ni Vin ang kanilang bagong bahay ni Sophie.

Panoorin ang moving in video nina Sophie at Vin:

Tingnan naman ang cute photos ng kanilang anak na si Baby Avianna sa gallery na ito:

Samantala, narito ang ilang celebrities na nagpagawa ng bahay ngayong quarantine: