
Madadagdagan na ng kulay ang inyong mga online kuwentuhan sa tulong ng bagong “Sparkle's Brightest Stars” sticker pack na mahahanap niyo na sa Viber.
Bumibida sa mga sticker sina Bianca Umali, Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Khalil Ramos, Derrick Monasterio, Miguel Tanfelix at Ruru Madrid na ipinakilalang bahagi ng “Sparkle's Brightest Stars,” ang proyekto ng Sparkle GMA Artist Center na inilunsad noong Enero sa Kapuso Countdown to 2022.
I-download ang “Sparkle's Brightest Stars” sticker pack DITO.
Patuloy na abangan ang iba pang bigating proyekto na inihanda ng Sparkle GMA Artist Center para sa Kapuso audiences ngayong taon.
Samantala, muling kilalanin ang mga binansagan na pinakamakinang na bituin sa Sparkle sa gallery na ito: