
Magpapasiklaban na ang celebrity at digital dance stars mamaya sa pinakamalaking Filipino dance competition na Stars on the Floor, ngayong Sabado, June 28, 7:15 p.m. sa GMA Prime!
Mapapanood din ang world premiere ng Stars on the Floor via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube.
Maaari ring silipin ang full episodes nito sa GMANetwork.com/Starsonthefloor at sa official YouTube account ng GMA Network.
Ang ultimate COLLABanan sa Sayawan ay mas paiinitin ng powerhouse dance authority panel na sina Kapuso Queen Marian Rivera, Dance Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay.
Si Asia's Multimedia Star at Box Office KingAlden Richardsnaman ay nagbabalik sa telebisyon at magsisilbing host ng upcoming dance competition.
Hindi mabubuo ang mga kaabang abang na intense performances kung wala ang celebrity at digital dance stars.
Handa nang humataw sa stage ang celebrity dance stars na sina Glaiza de Castro, Rodjun Cruz, Faith da Silva, Thea Astley, at VXON Patrick. Samantala, ang digital dance stars na sina Zeus Collins, Dasuri Choi, JM Yrreverre, Kakai Almeda, at Joshua Decena ay handa na din makipagsabayan sa dance floor.
Panoorin ang launch trailer ng Stars on the Floor dito:
Samantala, balikan dito ang naganap na mediacon ng Stars on the Floor: