GMA Logo start up ph
What's on TV

Start-Up PH: Team DaDa, pinakilig ang netizens sa una nilang pagkikita

By EJ Chua
Published October 11, 2022 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

start up ph


Bea Alonzo at Jeric Gonzales, pinakilig ang mga manonood sa kanilang mga karakter bilang sina Dani at Davidson.

Nagsimula nang magpakilig ang Team DaDa (Dani and Davidson), ang mga karakter na ginagampanan nina Bea Alonzo at Jeric Gonzales sa GMA drama series na Start-Up PH.

Nito lamang Biyernes, October 7, sa episode na pinamagatang #SUPHAdmission, naganap na ang unang pagkikita nina Dani at Davidson.

Sa mismong networking party ng kapatid ni Dani na si Ina (Yasmien Kurdi), suot ang kaniyang formal attire, agaw atensyon ang biglaang pagdating ni Davidson sa event.

Hindi ito inaasahan ni Dani kaya naman gulat na gulat siya at halos natulala nang lumapit sa kaniya ang isang lalaki.

Ito na nga si Davidson, ang inaakala ni Dani na ex-penpal niya noong siya ay bata pa.

Ang eksena kung saan mapapanood ang kanilang pagkikita ay labis na kinakiligan ng netizens.

Narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng Start-Up PH fans at viewers sa Team DaDa o Dani at Davidson:

Abangan pa ang mga susunod na nakakakilig na eksena ng Team Dada!

Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.

Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: