What's on TV

'Stolen Life' pilot episode, inaabangan na ng netizens

By Maine Aquino
Published November 13, 2023 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Human Dignity in the Digital Age: What Pope Leo XIV's Magnifica Humanitas Means for Filipino Workers in Italy
Samal Island braces for rainy season
Left a lighter in your car? Your old habits could be a major fire hazard

Article Inside Page


Showbiz News

Stolen Life


Mapapanood na ang 'Stolen Life' na pagbibidahan nina Gabby Concepcion, Beauty Gonzalez, at Carla Abellana mamayang 3:20 p.m. sa GMA Network.

Handa na ang netizens na masaksihan ang kakaibang istorya ng bagong drama sa GMA Afternoon Prime sa Stolen Life.

Ang Stolen Life ay ang bagong drama na pagsasamahan nina Gabby Concepcion, Beauty Gonzalez, at Carla Abellana na may temang astral projection.

Ngayong Lunes, magsisimula na ang kuwento ng Stolen Life at ang mga netizen ay nagpahayag ng kanilang excitement para sa Stolen Life.

Saad ng mga netizens, excited na silang makita ang pagganap nina Gabby, Beauty, at Carla bilang Darius, Farrah, at Lucy. Inilahad rin nila na nais na nilang masaksihan ang kakaibang kuwento ng Stolen Life.

RELATED GALLERY: Meet the cast of Stolen Life

Samantala, umabot na sa 2.8 million views ang Stolen Life full trailer sa Facebook.

Abangan ang world premiere ng Stolen Life mamayang 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits.