
Nagningning at naging makulay ang bawat dance star duo sa Dance Fest ng April 26 episode ng Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, namukod-tangi sina Sugar Mercado at HORI7ON Jeromy bilang 10th top dancee star duo matapos nilang magpasabog ng swag sa kanilang Locking x Panagbenga performance.
Nag-enjoy ang Dance Universe at maging ang dance authority sa makulay na performance nina Sugar at Jeromy, dahil napanatili nila ang mataas na energy sa dance floor mula simula hanggang dulo.
Nakalaban nila sa dance showdown sina Paul Salas at Calista Denise, na nagpasabog din ng galing sa kanilang Jazz x Mardi performance.
Noong nakaraang linggo, sina Rocco Nacino at KAIA Sophia ang itinanghal bilang 9th top dance star duo matapos ang kanilang all-out energy femme performance.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: