
Muling pinutol ni Sunshine Dizon ang kaniyang katahimikan para maghayag ng saloobin niyang mamuhay ng ligtas at tahimik sa bansa kasama ng kaniyang mga anak.
Sa isang panibagong Instagram post, nagpaliwanag muli si Sunshine nang kaniyang saloobin matapos tanungin ng isang netizen kung aktibista ba ito.
Tanong ng netizen, "Nagiging aktibista ka na rin po ba? Mas maganda po focus ka sa pagluluto at sa mga kiddos mo. At maganda 'yung i-post good vibes pa po. Mas maganda
tahimik at walang nag-babash sa'yo. Fan mo po ako since AnnaKarenina."
Sagot naman ni Sunshine, "Hindi po ako aktibista, isa lamang akong ina na nagnanais ng mas maayos at payapa na Pilipinas."
Ayon kay Sunshine, tanggap niya ang pagkakaroon ng bashers ay parte ng pagiging mas tapat sa sariling opinyon.
"Tanggap ko na din po ang bashers kung kapalit naman ay kamulatan ng mga nag-tutulogtulugan."
Dagdag ng aktres, "Ipagdasal po natin 'wag dumating ang panahon na kailanganin na ng ibang magsalita pero wala nang makikinig o 'di kaya't lagyan din ng busal ang kanilang mga bibig. Wala pong masama maghangad ng mabuti para sa bayan. Ano po ang masasabi niyo kung sakaling boses mo lang pala ang kailangan upang masimulan ang pagbabago pero hindi ka nagsalita?"
Isang hands-on mom si Sunshine sa dalawang anak na sina Doreen at Anton Tan na anak niya sa estranged husband na si Timothy Tan.
ALSO READ: Sunshine Dizon on being a Kapuso for 20 years: "GMA values me as an individual"