GMA Logo tekla reads fan messages
What's Hot

Super Tekla, nakatanggap ng mga mensahe ng suporta mula sa fans

By Cherry Sun
Published November 3, 2020 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

tekla reads fan messages


“Gusto kong bumalik si Tekla, 'yung sigla ni Tekla, 'yung kulit ni Tekla, 'yung pagiging ako.” Panoorin ang reaksyon at mensahe ng Kapuso comedian sa mga natanggap niyang suporta mula sa kanyang fans.

Matapos ang unos na naranasan sa kanyang personal na buhay, inuulan ngayon si Super Tekla ng mga mensahe ng suporta mula sa fans at netizens.

Tekla

Aminado ang Kapuso comedian at The Boobay and Tekla Show host na hindi naging madali ang pagsubok na kanyang dinaanan matapos ang mga paratang ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Bana-ag laban sa kanya.

Ngayong, unti-unti nang nakababangon upang magsimula muli si Tekla sa tulong ng kanyang mga kaibigan tulad nina Donita Nose at Boobay, pati na rin ng GMA Network at ng kanyang management.

Malaking tulong din daw ang natatanggap niyang mga mensahe mula sa netizens kaya't naisipan niyang magpasalamat sa kanila sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Wika ni Tekla, “Ito po 'yung dahilan kung bakit ginawa ko 'to, dahil naramdaman ko na nandyan kayo na kayang suportahan at alalayan ako sa pagsisimula. Moving on.

"Kalimutan na natin ang nangyari. May mas magandang gagawin at mga makabuluhang bagay na pwede nating, pwede kong gawin; makapaghatid ulit ng kasiyahan kasi ayaw kong mawala si Tekla eh sa mga nangyari.

"Gusto kong bumalik si Tekla, 'yung sigla ni Tekla, 'yung kulit ni Tekla, 'yung pagiging ako.”

Mga mensahe ng paghilom at pag-move on ang ipinadala sa komedyante.

Kabilang dito si Matet Magadia na nagsabing, “Create ka ng content. We are here to support you. It will help you to move on and to start [a] new life. Fight lang sa buhay. God bless Tekla.”

Pinalakas naman ni Josanna Hanawa ang loob ni Tekla. Sambit nito, “Watching you, praying for you, your babies and loved ones. Please Tekla… hope Makita mo ang ipinaghihiwatig sa iyo n gating mahal na Poon. Hindi ka niya ilalagay sa alam niya na ipahahamak mo… Malinawan ka sana at magpatuloy sa maganda ninyong shine-share ni Donita (Nose). Move on, be with people who really care for you. God bless you.”

Bahagi rin ng mensahe na ipinadala ni Parisha Gaurleen, “You will heal from the pain, from yesterday. Just pray and be strong.”

Ikinataba ng puso ni Tekla ang kanyang mga nabasa.

Aniya, “Kaya po ako nagkalakas ng loob na ipagpatuloy itong aking YouTube channel, ang pagba-vlog dahil nakakatayo na ako.

"I'm able dahil sa lahat ng suporta at alam kong madaming naniniwala pa na makakapag-spread ako ng more, more, more good vibes at pagpapasaya sa bawat isa.

“So moving forward na tayo. 'Yung pain andito pa rin pero mawawala 'yan.

"Mawawala 'yan ng prayers, pagdarasal, pagpapatawad at pagmamahal.

"'Yan lang ang tanging hihilom sa bawat sitwasyon.

"Kung sino man, hindi lang ako, hindi porke't kilala ako, artista ako. Sa lahat ng mga taong nakakaranas ng ganun.”

Muli rin niyang pinaalalahanan ang kanyang mga manonood na itigil na ang pamba-bash.

Wika niya, “Iwasan na po nating mag-judge, humusga, manlait so let's move on.

"Mas maganda po, mga KapuTek, na i-offer natin 'yung prayers, love, para doon sa mga taong nakakaranas ng ganito, hindi lang ako. Para maganda 'yung impact, imbis na… hindi tayo maka-hurt ng damdamin ng isang tao, mas maigi po na ipanalangin nalang natin at prayers. 'Yun lang po ang importante.

“So, as of now, nag-uumpisa ako magsimula muli, babangon muli, at ibabalik muli ang dati kong sigla sa pagpapatawa. Moving forward, forget and forgive.

"Spread the love, 'yun lang, mga KapuTek. Salamat at nandyan kayo.

"Salamat sa mga taong naniniwala, sa mga kaibigan, sa mga supporter.

"Kayo po ang rason kung bakit magpapatuloy ako sa pagpapatawa at hindi ako mawawalan ng pag-asa dahil may magandang maidudulot ang good vibes at happiness sa aking vlog”

Panoorin ang kanyang vlog dito: