GMA Logo Nelson Canlas, Mariz Umali, Susan Enriquez
Source: eatbulaga1979 (Instagram)
What's on TV

Susan Enriquez, Nelson Canlas, Mariz Umali, sumalang sa 'Pinoy Henyo' sa 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published December 19, 2022 6:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Nelson Canlas, Mariz Umali, Susan Enriquez


Nasubukan ang galing sa hulaan ng GMA News reporters na sina Susan Enriquez, Nelson Canlas, at Mariz Umali sa kanilang paglalaro ng 'Pinoy Henyo' sa 'Eat Bulaga.'

Sumalang sa hamon ng pautakan sa “Pinoy Henyo” ng Eat Bulaga ang GMA News reporters na sina Susan Enriquez, Mariz Umali, at Nelson Canlas kasama ang kanilang mga katuwang na staff sa GMA Public Affairs na sina Richelle Figueroa, Lora Tisoy at Siena Distura.

Sa episode ng longest-running noontime show sa bansa, nitong Sabado, December 17, napanood ang pagalalaro ng GMA News reporters sa nasabing segment.

Bago sila sumalang, nagpa-sample muna ang real-life couples at Eat Bulaga guest co-hosts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali. Dito ay nahulaan naman nila ang “Pinoy Henyo” word na “pilikmata” sa loob lamang ng 28 segundo.

Matapos ito, unang sumalang ang team Pera Paraan kasama sina Susan at production assistant na si Lora. Dito ay nahulaan nila ang pangalan ni Maria Clara at Ibarra actress Barbie Forteza.

Sunod naman na naglaro ay ang team Unang Hirit nina Mariz at executive producer na si Richelle kung saan napabilib ni Mariz ang dabarkads nang mahulaan niya ang “Pinoy Henyo” word na “crocodile” sa loob lamang ng 31 segundo.

Huli namang sumalang ang team podcast ni Nelson at segment producer na si Siena. Dito ay nahulaan naman nila ang salitang “asukal” sa loob ng 51 segundo.

Dahil sina Mariz ang may pinakamabilis na nakahula, sila ang sumalang sa huling round, kung saan nahulaan nila ang “Pinoy Henyo” word na “Fruit Salad.”

Nakapag-uwi sina Mariz ng PhP25,000 na premyo sa kanilang pagkapanalo.

Tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

ALAMIN KUNG ANO ANG TRABAHO NG GMA NEWS ANCHORS BAGO SILA NAGING REPORTER DITO: