Celebrity Life

Susan Enriquez, planong magtayo ng café sa kanyang farm

By Dianara Alegre
Published January 11, 2021 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Express: December 21, 2025 [HD]
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Susan Enriquez


Isinusulong ni Susan Enriquez ang pagkakaroon ng healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at mga masusustansyang pagkain.

Hindi lang basta “plantita” si Unang Hirit host Susan Enriquez dahil ngayon meron na rin siyang mini farm sa tahanan niya.

Nang makapanayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng reporter/host na balak niya pang palaguin ang kanyang farm ngayong taon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mini café.

Susan Enriquez

Source: susan_enriquez (Instagram)

“Ang plano ko talaga is 'yung farm ko is maraming-marami na siyang tanim at maglagay ako ng small café,” aniya.

Ang hobby niyang pagtatanim ay nagmula sa hilig niya sa pagluluto ng mga pagkaing Pinoy.

“Most of my weekends talaga ay sa farm. Kasi marunong ako magluto. 'Pag nalaunan mag-o-offer na ako ng breakfast…hindi naman ako chef pero marami akong pwedeng lutong Pinoy. Halimbawa, ang plano ko, 'pag may bunga na 'yung mga gulay maggigisa ako ng amplaya, patola, tortang talong.

“'Yung mga pagkaing Pinoy kasi 'yun lang naman ang kaya kong iluto dahil hindi naman ako chef, hindi naman ako nag-aral ng culinary pero maipagmamalaki ko naman 'yung mga lutong Pinoy ko,” aniya.

Dagdag pa ni Susan, gusto rin niyang i-promote ang healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansya.

“Gusto ko i-promote ang healthy diet, ang healthy food, healthy lifestyle. 'Yun ang gusto ko mangyari at magawa. May awa ang Diyos, e, magawa ko 'yan sa 2021,” aniya pa.

Nagbigay din ng payo ang reporter na gaya ng nakagawian, panatilihing maging malinis sa katawan may pandemya man o wala.

“Dapat lagi tayong magiging malinis sa ating sarili kasi tama naman 'yun, e. Lagi namang may virus, laging may bacteria, laging may germs. Nagkataon lang na napakatalas nitong COVID-19. Siguro 'yun ang hindi dapat nawawaglit sa atin. Lagi tayong conscious about our hygiene,” sabi pa niya.

Noong November nang nakaraang taon, ibinunyag ni Susan na naospital siya dahil sa pneumonia at tatlong araw na na-confine sa COVID-19 ward dahil pinagsuspetsang nahawaan siya ng sakit. Aniya, traumatic ang experience niyang ito, lalo na dahil doon na rin niya sinalubong ang kanyang birthday noong May.

Panoorin ang interview niya RITO.