GMA Logo Suzette Doctolero
Source: GMANetwork.com
What's on TV

Suzette Doctolero, patuloy na isusulong ang women empowerment sa 'Pulang Araw'

By Kristian Eric Javier
Published September 24, 2024 7:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Suzette Doctolero


Alamin kung paano ipapakita ni Suzette Doctolero ang women empowerment sa 'Pulang Araw' sa kabila ng matitinding eksena ng mga comfort women.

Aminado ang head writer at GMA consultant na si Suzette Doctolero na sa lahat ng seryeng sinusulat niya, importanteng maisama ang tema ng women empowerment. Ngayon na nasa comfort women era na ang historical drama series na Pulang Araw na isinulat niya, sinabing maipapakita pa rin niya iyon dito.

Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Suzette na bukod sa nakakatakot ay horrifying din ang mga dinanas ng comfort women noong panahon ng hapon.

“Masakit siya na kabanata at in fact, 'yung ilang mga lola na nakaranas nu'n ay buhay pa hanggang ngayon at in-interview 'yan ng mga writers ng Pulang Araw at tsaka ng mga artista na gaganap na comfort women,” kuwento ni Suzette.

Dagdag pa ng batikang manunulat, “Sobrang masakit 'yung kanilang kuwento at maski sila, hanggang ngayon, nasasaktan, hanggang ngayon, umiiyak sila. So ganu'n siya ka-traumatizing.”

Aminado rin si Suzette na nahirapan siyang isulat ang mga eksena lalo na at tinitingnan niya ang sarili bilang isang manunulat na gusto ang mga empowered women. Mula sa mga Sang'gre ng Encantadia, kay Amaya, maging kay Lally sa My Husband's Lover at kina Maria Clara at Klay sa Maria Clara at Ibarra ay puno ng women empowerment.

“Biglang ito, mga babae na api at ginawang parausan sa loob ng maraming taon, tatlong taon kasi simula ng invasion nila nanguha na sila agad ng mga babae. Gusto natin ipakita 'yung bahaging iyon ng history,” sabi ni Suzette.

“Pero bilang writer na naniniwala sa empowerment ng babae, ayaw kong iwan 'yun ng ganu'n lang. Gusto ko, may babaeng titindig, si Teresita, at sasabihing 'Hindi tayo pwedeng maging victim, lalaban tayo.'”

Ayon kay Suzette ay magiging malaki ang papel ng karakter ni Teresita, na ginagampanan ni Sanya Lopez, sa pagpapakita ng women empowerment. Aniya, mula sa pagiging isang bodabil na nagbibigay ng aliw, siya rin ang magbibigay ng pag-asa sa comfort women sa serye.

“Siya ang magsasabi na hindi tayo pwede magpatalo. Katawan lang nila 'yung makukuha nila, pero hindi ang ating spirit, lalaban tayo,” ayon pa sa batikang manunulat.

“Gusto ko 'yun. Gusto ko 'yun kasi hindi siya naging biktima lang, kundi tinanggal niya ang pagiging biktima at pinalaya niya ang sarili niya because of that and I like that art kasi hindi siya nagiging mabigat pagdating na sa ganung point, 'pag empowered 'yung babae,'” aniya.

Inamin din ni Suzette na naging mahirap para sa kaniya habang isinusulat at habang binabasa nila ang tungkol sa mga eksena ng comfort women. Pero sinabi rin niyang mas mahirap ito habang kinukunan ang mga artistang inaarte ito.

“Mabigat talaga siya. Ang hirap nu'n, hindi pwedeng maging mabigat siya all throughout e, gusto kong magpakita ng babae na kahit nangyari sa kaniya 'yun, pero lumaban siya,” sabi ni Suzette.

“Para man lang kahit sa pamamagitan ng isang fictional na kuwento, lumaban 'yung mga babae at humawak sila ng armas at lumaban sila at pinagtanggol nila 'yung bayan at 'yung kanilang mga kaapihan. That way, baka matanggal ko 'yung sakit na 'yun doon sa show,” pagpapatuloy ng batikang manunulat.

BALIKAN ANG MGA MODERN SERIES NA MAY TEMA NG WOMEN EMPOWERMENT SA GALLERY NA ITO:

Pakinggan ang buong panayam kay Suzette rito: