GMA Logo Sylvia Sanchez, Ria Atayde, Zanjoe Marudo
Courtesy: sylviasanchez_a (IG) and ria (IG)
Celebrity Life

Sylvia Sanchez, hands-on lola sa anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo

By EJ Chua
Published October 10, 2024 12:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Sylvia Sanchez, Ria Atayde, Zanjoe Marudo


Ipinag-shopping ni Sylvia Sanchez ang kanyang apo kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo!

Bago pa man isilang ang first baby nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, kapansin-pansin na ang excitement ng aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang apo.

Ngayong kapiling na nina Ria at Zanjoe ang kanilang baby boy, si Sylvia naman ay tila very hands-on din ngayon sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa isa sa Instagram posts ng batikang aktres, ipinasilip niya ang kanyang lola duties.

Mapapanood sa isang video at makikita sa ilang photos na abalang-abala si Sylvia sa pagsa-shopping para sa kanyang apo.

Makikita ang kanyang serious at excited looks habang pumipili siya ng baby clothes at shoes sa isang store.

Sulat niya sa caption ng kanyang post, “It feels so good! See you tomorrow apo.”

Isang post na ibinahagi ni Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Sa comments section, mababasa ang Thank you message ng anak ni Sylvia na si Ria.

Ayon sa comment ni Ria, “Thanks Ma [heart emoji].”

Ni-repost naman ng asawa ni Ria na si Zanjoe sa Instagram Stories ang post ng kanyang biyenan.

Sulat ni Zanjoe, “Thank you Ma."

Sina Ria at Zanjoe ay ikinasal noong March 23, 2024 kasabay ng 32nd birthday ng una.

Related gallery: Zanjoe Marudo and Ria Atayde's official wedding photos