
Sa finale ng Tadhana: Ganti, dala ng matinding galit, sasaktan ni Marissa (Maui Taylor) ang kanyang stepdaughter na si Ana (Princess Aliyah) upang makaganti sa ina nitong si Giselle (Winwyn Marquez).
Nang malaman naman ni Giselle ang masamang plano ni Marissa, gagawin niya ang lahat upang mailigtas ang nawalay na anak -- kahit kausapin pa niyang muli ang lalaking nanakit sa kanya noon.
Mailigtas kaya ni Giselle ang kanyang anak mula sa mapagmalupit na kamay ni Marissa? Makamit kaya niya ang hinahangad na paghihiganti para sa pumanaw niyang mga magulang?
Abangan ang natatanging pagganap nina Winwyn Marquez, Maui Taylor, Pancho Magno, Shido Roxas, Princess Aliyah, Jim Pebanco, Bryce Eusebio at TikTok stars Yes na Yes For You at Chloe Redondo.
Samahan si Kapuso Primetime Queen sa kuwento ng Tadhana: Ganti the Finale, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs Facebook and YouTube livestream.