
Matapos ang isang masakit na kabanata sa Maynila, piniling magsimula muli ni Helena (Max Collins) sa probinsya bilang isang guro. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mababago ang takbo ng kanyang buhay nang makilala niya si Third (Yasser Marta), ang rebellious na estudyanteng unti-unting magpaparamdam sa kanya ng pagmamahal at pag-asa.
Sa gitna ng mga mata ng mapanghusgang tao, kakayanin kaya nilang ipaglaban ang nararamdaman nila para sa isa't isa?
Mapapanood sina Max Collins, Yasser Marta, Liezel Lopez, Samantha Lopez, at Lovely Rivero sa Tadhana: Ma'am ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs Facebook at YouTube livestream.