GMA Logo Kylie Padilla and Andrea Torres
What's Hot

Tambalang Kylie Padilla-Andrea Torres sa 'BetCin,' magpapakilig o magpapaiyak?

By Aimee Anoc
Published September 28, 2021 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Andrea Torres


Masaya kaya ang ending ng 'BetCin'? Mapapanood n'yo na ang tambalang Kylie Padilla at Andrea Torres ngayong Oktubre!

Mapapanood na ngayong Oktubre ang bagong proyektong pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Andrea Torres, ang BetCin.

Base sa inilabas na official trailer, gaganap bilang lesbian couple sina Kylie at Andrea. Gagampanan dito ni Kylie ang karakter ni Beth. Bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter niyang si Cindy.

Sa 2-minute clip, makikita kung paano magsisimula ang relasyon nina Beth at Cindy. Gayundin, mapapanood kung paano magsisimulang tumabang ang kanilang relasyon.

"Never have I ever been crazy in love with someone like you," sabi ni Kylie kay Andrea habang ipinapakita ang kasal nilang dalawa.

"I love how you make me feel special. Sinasakyan mo ang mga kabaliwan ko tulad nito," dagdag naman ni Andrea.

Malalaman din na isang vlogger si Andrea kung saan hihikayatin nito si Kylie na sumali sa isang online contest na naghahanap ng "influential couple." Sa pagligsahang ito, maaari silang manalo ng P10 milyon, bahay at lupa.

Mapapansin sa kalagitnaan ang pagtatalo nina Kylie at Andrea kung saan maririnig na sinabi ng huli, "Lagi kang busy, ang cold mo. Lagi kang emotionally detached."

Agad naman itong dinugtungan ni Kylie, "Dapat hindi na tayo sumali sa contest na 'to e."

Sa huli, makikitang kapwa umiiyak sina Kylie at Andrea.

"Maybe wala talagang forever. Maybe wala talagang inherently perfect 'di ba? But we can make it. We can choose to be happy. We can choose to love," sabi ni Andrea.

"I think the right question is, 'Kaya pa ba nating lokohin ang mga sarili natin?'" pagtatapos na tanong ni Kylie.

Samantala, mapapanood si Kylie sa GMA Afternoon Prime na The Good Daughter, habang si Andrea naman sa GMA Telebabad na Legal Wives.

Tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres: