What's on TV

Tambalang Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, muling mapapanood sa 'I Can See You: #Future'

By Jansen Ramos
Published December 13, 2023 5:46 PM PHT
Updated December 13, 2023 6:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mahigit 9,800 Pilipino, umuwi sa bansa sa harap ng kaguluhan sa Middle East — DMW
A tangy twist on your favorite Bangus Sinigang | Farm To Table
Cebu town cautions of jellyfish bloom

Article Inside Page


Showbiz News

miguel tanfelix and kyline alcantara in i can see you future


Muling ipalalabas ang 'I Can See You: #Future,' na pinagbidahan nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, mula December 18 hanggang December 22 sa GMA Afternoon Prime.

Muling matutunghayan ang tambalang Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara na nagsama sa ikalawang kwento mula sa second season ng hit GMA Telebabad miniseries na I Can See You na '#Future.'

Mapapanood muli ang '#Future' simula December 18 hanggang December 22 via GMA Afternoon Prime. Orihinal itong pinalabas noong April 5, 2021 hanggang April 9, 2021.

Tungkol ang #Future sa aspiring segment producer na si Vinchie, ginampanan ni Miguel, na naghahanap ng trending news. PInagkakakitaan niya ito kaya kahit misleading ang kanyang content, ginagawan niya ito ng kwento para mag-viral.

Sa isang scoop na kanyang nakunan, involved pala ang kanyang ama na si Elvin, ginampanan ni Gabby Eigenman. Samantala, si Aiko Melendez ang gumanap na ina ni Miguel sa #Future.

Dahil sa isang misteryosong CCTV camera, nagkaroon ng supernatural ability si Vinchie--ang makita ang trahedya bago ito mangyari. Sa isang pangyayari, nakilala niya ang problemadong dalaga na si Lara, ginampanan ni Kyline, na sinagip niya mula sa depresyon.

Parte rin ng '#Future' sina Mikoy Morales, Dani Porter, J-mee Katanyag, at Francis Mata.

Muling ipapalabas ang I Can See You: #Future simula Lunes, 4:05 p.m. pagkatapos ng Stolen Life sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Muli ring ipapalabas ang dalawa pang kwento ng I Can See You na 'The Lookout' at 'On My Way To You.' Mapapanood ang 'The Lookout' mula December 25 hanggang December 29, samantalang mapapanood ang 'On My Way To You' mula January 1 hanggang January 5.