GMA Logo Tanghalan ng Kampeon
What's on TV

Tanghalan ng Kampeon former audition master Darling de Jesus-Bodegon, nagbalik-tanaw sa nakaraan

By Maine Aquino
Published February 14, 2024 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon


Alamin ang kuwento ni Ms. Darling de Jesus-Bodegon tungkol sa kasaysayan ng 'Tanghalan ng Kampeon'

Ibinahagi ni Ms. Darling de Jesus-Bodegon ang pinagmulan ng Tanghalan ng Kampeon at ang pagbabalik nito sa GMA Network.

Si Ms. Darling de Jesus-Bodegon ay ang dating audition master at naging associate producer ng Tanghalan ng Kampeon. Siya ngayon ay Consultant ng BDD3 Entertainment Group.

Ayon kay Ms. Darling, ang orihinal na Tanghalan ng Kampeon ay nagsimula noong 1989. Aniya, may edge ito sa ibang singing contest ngayon dahil sa history nito sa entertainment industry.

"It began with the popular tandem of Bert “Kaka” Marcelo and Pilita Corrales as hosts and the musical “boy genius” Danny Tan as our musical director. We did it at the GMA studio in Broadway where people lined up to watch."

Dugtong pa ni Ms. Darling, "We had three judges every week composed of known personalities in Philippine music. The format was simple but it is still the same basic framework that singing contests follow today."

Inilahad naman ni Ms. Darling na masaya siya nakabalik na sa GMA Network ang Tanghalan ng Kampeon.

"From being audition master to associate producer for that show at that time, I am really thrilled to bring it back to the people on GMA--where it belongs!"

Ang Tanghalan ng Kampeon ay opisyal na nagbalik sa telebisyon ngayong 2024. Nagsimula na ito mapanood sa TiktoClock ngayong February 12.

Ang host ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock ay sina Kuya Kim Atienza at Pokwang. Kabilang naman sa mga judges nito sina Renz Verano at Jessica Villarubin. Kasama rin nila dito ang guest judge na si Carl Guevarra ng "The Juans."

Subaybayan ang Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. Mapapanood din ang TiktoClock sa Kapuso Stream sa YouTube at sa TiktoClock official Facebook page.