
Handang handa na sina Sheena Palad, MC Mateo, Lucky Robles, at Gary Villalobo sa nalalapit na grand finals ng Tanghalan ng Kampeon.
Gaganapin ang grand finals ng Tanghalan ng Kampeon sa TiktoClock sa June 12, 13, at 14.
Sa TiktoClock ay napanood ang pagbabahagi nina Sheena, MC, Lucky, at Gary ang kanilang ihahanda para sa laban ng titulong grand champion ng Tanghalan ng Kampeon.
Ayon sa unang kampeon na si Sheena, nararapat siyang maging kampeon dahil sa kaniyang versatility.
"Sa tingin ko po ang kailangang manalo na grand champion for Tanghalan ng Kampeon is yung someone po that has versatility. And I think po, ako po 'yun. So, hopefully makita po ito ng ating mga Tiktropa at ng ating mga kasama sa bahay sa online, suportahan niyo po ako."
Inilahad naman ng ikalawang kampeon at ang pinakabatang grand finalist na si MC na gusto niya manalo para sa pangarap at para maging inspirasyon sa mga kabataan.
"Ang tingin ko po na makakapagpanalo po sa akin sa grand finals is 'yung effort and yung risk na iti-take ko na ipapakita ko po sa finals."
Dugtong pa ni MC, "Gusto ko pong maging inspirasyon sa mga kabataan na katulad ko na huwag po silang matakot na mangarap. Maniwala po sila sarili nila katulad ko po na naniniwala po ako sa sarili ko na kaya ko pong maging kampeon sa buhay."
Ang ikatlong kampeon at kontisero na si Lucky ay nararamdaman na raw na ito na ang tamang oras na siya ay kilalanin bilang grand champion.
"Sa 18 years po ng pagsali ko sa singing contests nararamdaman ko na po na ready na akong itanghal na first ever grand champion ng Tanghalan ng Kampeon."
Samantala, si Gary na ikaapat na grand finalist ay handa na raw ipakita ang kaniyang puso sa performance.
Ani Gary, "Sobrang handa po. Puso ang ipakikita ko sa aking pagtatanghal bilang maging champion ng Tanghalan ng Kampeon."
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG TANGHALAN NG KAMPEON GRAND FINALISTS DITO: