What's on TV

Tangkang pagpapakamatay ni Eunice sa 'Stairway To Heaven'

By Jansen Ramos
Published July 22, 2020 12:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Culiat Bridge II on Congressional Ave., QC now open for light vehicles —LGU
Maximum tolerance on protest actions during SONA
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro in Stairway To Heaven


Imbes na alagaan sa ospital, sinumbatan pa ni Maita ang kanyang anak na si Eunice sa plano nitong pagpapakamatay.

Sa episode 47 ng Stairway To Heaven, pinagtangkaang kitilin ni Eunice (Glaiza De Castro) ang kanyang sariling buhay dahil hindi niya matanggap ang pakikipaghiwalay ni Cholo (Dingdong Dantes) sa kanya.

Nilason niya ang kanyang sarili pero, sa kabutihang palad, naagapan ito at dinala siya ng kanyang inang si Maita (Jean Garcia) sa ospital.

Imbes na alagaan, sinumbatan pa ni Maita ang kanyang anak sa plano nitong pagpapakamatay.

Maita scolding her daughter Eunice while at the hospital

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.