
Kasunod ng pagkakabanggit ng pangalan ni Arjo Atayde sa kontrobersyal na flood control programs, binalikan ng kilalang Tarot reader na si Mamu, o Gloria Escoto sa tunay na buhay, ang kanyang prediksyon sa panayam ni Romel Chika.
Sa kanyang Facebook post, ni-repost ni Mamu ang clip kung saan mapapanood ang prediksyon niya kay Quezon City 1st District representative Arjo at asawa niyang si Maine Mendoza para sa 2025. Ang interview ay na-upload sa YouTube ni Romel Chika noong December 24, 2024.
“Hindi ako sure kung ano ang trabaho nito, ha. Pwede siyang dumaan sa pagsubok,” ito ang panimulang pahayag ni Mamu nang tanungin siya tungkol kay Arjo.
Ayon pa sa kanya, tungkol sa usaping pera ang magiging pagsubok ng 34-year-old actor-politician.
“Pwede siyang masangkot ang pangalan niya sa usapin ng pera.”
Kaya naman ang babala ni Mamu, “Ingat na lang siguro, magiging stressful ang 2025 niya, na parang didibdibin niya.”
Patuloy pa niya, “Kung anak, wala akong nakikita, e. Siguro ito, sa 2025, kapag dumating 'to, magiging tahimik lang sila. Kumbaga, haharapin niya lang ito at patutunayan niya na hindi siya sangkot. Sa madaling salita, itong cards na 'to, puwede siyang masangkot sa corruption na issue.”
Sa kabila ng pagsubok na ito, ani Mamu, “Malalampasan niya. Magiging tahimik lang siya, yung pakikipaglaban, hanggang sa maging maayos.”
Patungkol naman kay Maine, sinabi ni Mamu, “Dahil mag-asawa sila, magiging apektado rin 'to.”
Sa huli, muli niyang inulit na malalagpasan ng mag-asawang Arjo at Maine ang pagsubok na ito.
“Pero dalawa naman nilang haharapin and matatapos naman kung sakali. Pero tahimik nilang haharapin pareho,” pagtatapos niya.
Matatandaan na kahapon, September 8, mainit na pinag-usapan ang pangalan ni Arjo dahil isa siya sa mga pulitiko at executives ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) na pinangalanan ng mga contractor at mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, na diumano'y humingi ng “kickback” para flood control projects ng gobyerno.
Mariin itong itinanggi ni Arjo sa pamamagitan ng statement sa kanyang Instagram Story.
Aniya, "I CATEGORICALLY DENY THE ALLEGATION THAT I BENEFITED FROM ANY CONTRACTOR. I HAVE NEVER DEALT WITH THEM. HINDI TOTOO ANG MGA AKUSASYON NA ITO. I HAVE NEVER USED MY POSITION FOR PERSONAL GAIN. AND I NEVER WILL. I WILL AVAIL OF ALL REMEDIES UNDER THE LAW TO CLEAR MY NAME AND HOLD ACCOUNTABLE THOSE WHO SPREAD THESE FALSEHOODS."
Agad din namang dumpensa ang asawa ni Arjo na si Maine sa pamamagitan ng X (dating Twitter).
“Teka lang muna, those are baseless allegations,” pahayag ng TV host-actress.
Nakiusap din siya sa publiko na iwasang magbigay ng personal attack sa kanilang mag-asawa at kanilang mga pamilya.
Aniya, “Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this.”
Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob. He has been doing his best to serve the people of…
-- Maine Mendoza (@mainedcm) September 8, 2025
Sa ngayon, patuloy ang pagdinig ng Senado ang House of Representatives tungkol sa mga umano'y anomalya sa flood control projects.
Samantala, kilalanin ang celebrities na naging pulitiko rito: