GMA Logo Royal Blood
What's on TV

Tasha remains at the top of the list of suspect's poll on the 10th week of 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published August 29, 2023 3:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Muling nanguna si Tasha sa suspect's poll ng 'Royal Blood.' Pero si Napoy, napasama na ngayon sa top 3, bakit kaya?

Dalawang magkasunod na linggong nanguna si Tasha, na ginagampanan ni Rabiya Mateo, sa mga pinaghihinalaan ng Royal Blood viewers na pumatay kay Gustavo Royales (Tirso Cruz III), base ito sa isinagawang poll ng Royal Blood para sa ikasiyam at ikasampung linggo nito.

Sa inilabas na official poll results ng Royal Blood noong Lunes (August 28), nanguna ulit sa listahan si Tasha na may 30.3 percent vote.

Kung sa ikasiyam na linggo ng Royal Blood ay sina Andrew (Dion Ignacio) at Anne (Princess Aliyah) ang pumangalawa at pumangatlo sa poll, napalitan naman ito ngayon nina Cleofe (Ces Quesada) at Napoy (Dingdong Dantes) sa puwesto.

Sumunod naman sa listahan sina Kristoff (Mikael Daez), Andrew, Emil (Arthur Solinap), Diana (Megan Young), Anne, Beatrice (Lianne Valentin), at Margaret (Rhian Ramos).

Narito ang ilang komento ng netizens kung bakit sa tingin nila si Tasha ang pumatay kay Gustavo Royales:

Sa inyong palagay, sino nga ba ang tunay na pumatay kay Gustavo Royales? Ibahagi ang inyong teorya sa TikTok at gamitin ang hashtags #RoyalBlood, #RoyalBloodTheory, at #KapusoSeryeReview, at i-tag ang @gmanetwork.

@gmanetwork UNLEASH YOUR INNER DETECTIVE, ROYALISTAS! 😎🔍 Share with us your #RoyalBloodTheory on TikTok! Sabay-sabay nating kilatisin at hanapin kung sino nga ba ang pumatay kay Gustavo Royales. #RoyalBlood ♬ Intense Music(850540) - Pavel

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG ILANG PAPURING NATANGGAP NI RABIYA MATEO MULA SA ROYAL BLOOD VIEWERS SA GALLERY NA ITO: