
Mainit na tinanggap ng mga manood ang unang episode ng bagong tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Nagtala ito ng 7.9 combined ratings mula sa GMA at GTV ayon sa tala ng Nielsen Philippines.
Mas mataas ito sa combined ratings na 3.1 ng kasabay na programa.
Nakatanggap ng papuri ang pagganap ng mga bidang sina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix, pati na ang mala-pelikulang cinematography ng mga eksena.
Humanga rin ang mga manonood sa tapang ng serye na ipakita ang sensitibo pero napapanahong usapin ng child sexual exploitation.
Panoorin ang full pilot episode ng Taskforce Firewall dito.
Panoorin ang Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
KILALANIN ANG MGA BIDA NG TASKFORCE FIREWALL DITO: