GMA Logo Taskforce Firewall cast
What's on TV

'Taskforce Firewall' stars, excited nang maipalabas ang kanilang serye

By Marah Ruiz
Published May 15, 2026 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Polomolok to enforce speed limits to curb road mishaps
PSE Q1 net income up 50%
Here are the affected areas of rotational brownout on May 15

Article Inside Page


Showbiz News

Taskforce Firewall cast


Excited na ang mga bida ng 'Taskforce Firewall' na maipalabas ang kanilang serye.

Handang handa na ang mga lead stars ng upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall!

Excited na ang mga bida na mapanood sa telebisyon ang kanilang serye na tungkol sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.

Sa kanyang TikTok account, ipinasilip ni Kapuso actress Kylie Padilla ang lugar na magsisilbing headquarters ng kanilang grupo.

Makikita dito sina Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Buboy Villar, Lexi Gonzales, at Cheska Fausto na nagsasayawan sa isang command center.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Bago nito, nagbigay din sila ng paalala tungkol sa cybersecurity--isa sa mga isyung mapapanood sa serye.

Bukod naman sa mga panganib ng digital world, magiging hitik din sa aksyon ang Taskforce Firewall.

Para paghandaan ito, sumailalim ang grupo sa training para gun handling and safety, pati na practical and tactical shooting bilang paghahanda sa serye.

Nagsanay din sila sa ilalim ng Philippine Air Force at Philippine Army.

Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:55 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.