GMA Logo Taskforce Firewall
Source: gmanetwork (IG)
What's on TV

'Taskforce Firewall' stars, may paalala sa online safety

By Marah Ruiz
Published May 15, 2026 12:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can Bato dela Rosa be called a fugitive from justice? Lawyer weighs in
Woman from Iloilo loses almost P200K to bogus work

Article Inside Page


Showbiz News

Taskforce Firewall


May palala ang lead stars ng 'Taskforce Firewall' tungkol sa pananatiling ligtas online.

Nagbigay ng paalala tungkol sa online safety ang mga bida ng upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Isa-isang nag-post ng mga kahinahinalang offer sina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Jak Roberto, at Buboy Villar.

Kalakip nito ang link kung saan, 'di umano, makikita ang impormasyon tungkol sa cryptocurrency investment, recruitment para sa trabaho, shortcut para magkaroon ng summer body, at iba pa.

Isa pala itong test kung magki-click ng suspicious links ang kanilang followers.

Buti na lang, sa official website ng GMA Network naka-redirect ang link.

Pagpindot nito, makikita ang video kung saan isa-isang nagpaalala sina Kylie, Miguel, Kyline, Jak, at Buboy tungkol sa safety at security online.






Konektado ito sa kuwento ng Taskforce Firewall na tungkol sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.

Bukod kina Kylie, Miguel, Kyline, Jak, at Buboy, bahagi rin ng serye sina Lexi Gonzales, Cheska Fausto, Mark Herras, John Vic de Guzman, Luis Hontiveros, at marami pang iba.

Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:55 p.m. sa GMA Prime! May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.