GMA Logo Family Feud Team Fit and Fab
What's on TV

Team Fit & Fab, wagi ng PhP 200,000 jackpot prize sa 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles
Published April 20, 2022 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

19 areas under Signal No. 1 as Wilma approaches Samar Island
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Team Fit and Fab


Ang Team Fit and Fab ang ikalimang jackpot prize winner ng 'Family Feud Philippines.'

Wagi ng PhP 200,000 jackpot prize ang Team Fit and Fab sa kanilang paglalaro sa episode ng Family Feud Philippines ngayong Miyerkules (April 20).

Ang Team Fit and Fab ay binubuo nina Rochelle Pangilinan, Max Collins, Luane Dy, at Noelle Samson. Nakaharap nila ang Team Palaban na binubuo naman nina Yasmien Kurdi, Jade Lopez, Dianne Medina, at Myrus Apacible.

Nakuha ni Myrus mula sa Team Palaban ang top answer sa survey question sa third round ngunit gumamit siya ng pass bilang strategy sa pag-aakalang hindi mahuhulaan ng Team Fit and Fab ang tatlo pang sagot sa game board.

Ngunit 'di gaya ng inaasahan, nahulaan ng grupo nina Rochelle ang iba pang survey answers na naging daan upang makapasok sila sa final round.

Sina Rochelle at Luane ang naging pambato ng kanilang grupo upang maglaro sa Fast Money round kung saan nakabuo sila ng 208 points na pasok upang maiuwi ang jackpot prize.

Ang Team Fit and Fab ang ikalimang jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon.

Una itong naipanalo ng Team Beki o reyna ng mga comedy bars na sina Petite, Pepay, Beki, at Osang sa pilot week ng nasabing programa. Sinundan sila ng Team TikTokerist na binubuo ng social media influencers na sina Christian Antolin, Ate Dick, Pipay, at Gaiapoly. Ikatlo ay ang Team Bubble Gang kasama ang Kapuso stars na sina Sef Cadayona, Mikoy Morales, Denise Barbacena, at Diego Llorico. Habang ikaapat naman ay ang Team Gameboys na sina Elijah Canlas, Sue Prado, Kych Minemoto at Miggy Jimenez.

Samantala, ugaliing tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang fit and fab na mga larawan ni Rochelle Pangilinan sa gallery na ito.