
Wagi ang pag-resbak ni Primetime Queen Marian Rivera sa Kapuso weekday game show na Family Feud kung saan naipanalo ng kanyang team ang PhP200,000 jackpot prize.
Sa December 15 episode kasi ng nasabing programa, muling nakihula ng top survey answers si Marian kasama ang ilan sa cast ng pelikulang Rewind na pinagbibidahan niya at ng kanyang mister at Family Feud host na si Dingdong.
Ang Rewind ay ang isa sa mga pelikulang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula sa December 25, 2023.
Kabilang sa team ni Marian na team Love Life sina Pamu Pamorada, Majoy Apostol, at Neil Coleta.
Nakalaban naman nila ang ilan pa sa kanilang co-stars sa pelikula na team Career na binubuo nina Via Antonio, Shanaia Gomez, Neil Juliano, at Ariel Ureta.
Sa kanilang paglalaro, panalo agad ang team Love Life sa first at second round sa score na 90 points.
Pagdating naman sa third round, nakabawi ng panalo ang team Career sa score na 178 points.
Sa final round, nakabawi ang team Love Life nang mahulaan nila ang limang survey answers sa tanong na, “Ayon sa pamahiin, bakit umaalulong ang isang aso?” Dito ay nakabuo sila ng 243 points na score.
Pagdating sa fast money round, sina Pamu at Majoy ang naglaro. Dito ay nakaipon sila ng 222 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha nila ang jackpot prize na PhP200,000.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Family Feud's trending and most-watched episodes
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Facebook page, GMA Network YouTube Channel, at sa Family Feud show page sa GMANetwork.com.