GMA Logo baby Kidlat, Mavi
Celebrity Life

Team Payaman cousins Mavi and baby Kidlat finally meet

By Jimboy Napoles
Published August 5, 2022 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

baby Kidlat, Mavi


Ano kaya ang nangyari sa unang pagkikita nina Mavi at baby Kidlat? Alamin DITO:

Nagkita na for the first time ang magpinsan na sina Von Maverick Velasquez o Mavi at Zeus Emmanuel Velasquez o baby Kidlat na kapwa anak ng magkapatid at kapwa YouTube vloggers na sina Lincoln Velasquez o Cong TV at Marlon "Junnie Boy" Velasquez Jr.

Sa isang vlog na ipinost ng grupo ng content creators na Team Payaman na kinabibilangan nina Cong at Junnie, makikita na binisita ni Mavi ang kanyang pinsan na si Kidlat isang buwan matapos itong ipanganak.

Mapapanood sa video na very excited si Mavi nang makita ang kanyang pinsan at nilapitan niya pa ito maging hanggang sa kanyang baby crib.

Si Mavi ay ang panganay na anak nina Junnie at vlogger na si Vien Iligan habang si Kidlat naman ay anak ni Cong sa vlogger at entrepreneur na si Viy Cortez.

Sa kasalukuyan, ang nasabing vlog ng pagkikita nina Mavi at Kildat ay may mahigit sa three million views na sa YouTube.

SAMANTALA, SILIPIN ANG NAGING FIRST PHOTOSHOOT NI BABY KIDLAT SA GALLERY NA ITO: