
Masayang-masaya ang Team The Boobay and Tekla Show (TBATS) nang maipanalo na nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang muling paglalaro sa Family Feud nitong Biyernes, March 17.
Sa nasabing resbak episode ng weekday game show ay nagharap ang mga natalong teams noon na Team TBATS at Team Babae Po Kami.
Kasama sa Team TBATS ang comedian-hosts na sina Boobay, Super Tekla, Ian Red, at Pepita Curtis, habang ang Team Babae Po Kami naman ay binubuo nina Tuesday Vargas, Mosang, Dang Cruz, at Chichirita.
March 2022 nang unang maglaro ang Team TBATS sa Family Feud pero natalo ito ng kanilang kalaban na Team All-Out Sundays. April 2022 naman nang maglaro ang Team Babae Po Kami ngunit nabigo ring manalo sa kanilang kalaban na Team Bubble Gang.
Samantala, sa paghaharap naman ng TBATS at Babae Po Kami, first round pa lamang ay nanguna na ang team TBATS nang makuha nila ang karamihan sa survey answers sa survey board. Dito ay nakakuha sila ng score na 80 points.
Sa second round, muling nakapuntos ng mataas na score na 124 points ang team nina Boobay at Tekla nang bigong mahulaan ng team nina Tuesday ang tanong na, “Complete the sentence: Ang sarap mong…”
Sa third round muling na-steal ng Team TBATS ang game sa score na 140 points habang nanatiling zero ang score ng Team Babae Po Kami.
Sa fourth round naman kung saan triple na ang score na puwedeng makuha, muling nanalo ang team TBATS sa score na 410 points.
Sa fast money round, sina Tekla at Pepita ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 204 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Samantala makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Home for the Golden Gays bilang kanilang napiling charity habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Team Babae Po Kami.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: