GMA Logo tekla on family feud
What's on TV

Super Tekla, havey ang sagot sa survey ng 'Family Feud' para sa 'mga bagay na isinusubo pero hindi nilulunok'

By Jimboy Napoles
Published March 25, 2022 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

tekla on family feud


Anu-ano ang mga bagay na isinusubo pero hindi nilulunok? Alamin ang top answer sa survey ng 'Family Feud':

Viral ngayon sa TikTok ang isang video mula sa pilot episode ng Family Feud Philippines, kung saan sinagot ni Super Tekla ang survey question na 'Magbigay ng bagay na isinusubo pero hindi nilulunok.'

Ang sagot ni Tekla, "Chipon! Chipon! 'Yung sa baby? Chipon!"

Natawa at naguluhan naman sagot na ito ng komedyante ang game master ng programa na si Dingdong Dantes.

"'Di ba chupon? Iba yung chipon. Parang akala mo chipon 'yun, e," natatawang sinabi ni Dingdong.

Panoorin ang nakakatawang sagutan nina Tekla at Dingdong sa TikTok video na ito ng 'Family Feud' Philippines na umabot na sa mahigit 2 million views:

@familyfeudph Kaya mo 'yan, Tekla! 😂 #fyp #FamilyFeudPH ♬ original sound - Family Feud Philippines

Samantala, matatandaan na pinagusapan online ang world premiere ng Family Feud Philippines nitong Lunes, March 21.

Tampok sa unang episode ang Team All Out Sundays (AOS), na binubuo nina Mark Bautista, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, at Garrett Bolden. Katapat nila ang Team The Boobay and Tekla Show (TBATS), na binubuo naman ng mga komedyante na sina Boobay, Super Tekla, Pepita Curtis, at Ian Red.

Si Boobay ng Team TBATS ang nakakuha ng top answer na 'Bubble Gum' sa nasabing viral na tanong.

Tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world class studio ng Family Feud sa gallery na ito.