GMA Logo Family Feud Team Tiba-Tiba
What's on TV

Team Tiba-Tiba, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published June 16, 2022 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Team Tiba-Tiba


Congratulations, Team Tiba-Tiba!

Umuwing tiba-tiba sa papremyo ang Team Tiba-Tiba sa kanilang paglalaro sa pinag-uusapang game show ngayon sa Pilipinas na Family Feud, kung saan nanalo sila ng PhP200,000 jackpot prize.

Binubuo ang Team Tiba-Tiba ng mga batikan at baguhang komedyante na sina Teri Aunor, Inday Garutay, Bluh Bayot, at Ate Aya. Nakalaban nila ang pamilya ng Kapuso actor na si Prince Carlos.

Lamang ang pamilya ni Prince sa first two rounds ng game show pero nakabawi ang Team Tiba-Tiba sa third round kung saan doble ang points na pwedeng makuha kung kaya't sila ang nagtuloy sa final round.

Sina Teri at Inday ang sumalang sa fast money round kung saan nakabuo sila ng 230 points na sobra upang makuha ang jackpot prize.

Ang Team Tiba-Tiba na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud sa edisyon nito ngayong taon. Sinundan nila ang team ng musical group na The Company na nanalo nito lamang Martes (June 14).

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, abangan naman si Prince kasama si Benjie Paras sa special Father's Day presentation episode ng Regal Studio Presents na “Most Valuable Daddy” ngayong Linggo sa GMA.

Kilalanin naman ang ilan pang sikat na stand-up comedians at performers ng Klownz at Zirkoh sa gallery na ito.