GMA Logo Family Feud Team TikTokerist
What's on TV

Team TikTokerist, wagi ng jackpot prize sa 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles
Published March 30, 2022 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hudson Williams, Tom Blyth sit front row together at Milan Fashion Week
Kapin 1.9 Million Deboto, Nisalmot sa Solemn Foot Procession | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Team TikTokerist


Ang Team TikTokerist ang ikalawang grupo na nanalo ng Php 200,000 jackpot prize sa 'Family Feud' Philippines.

Panalo ng Php 200,000 jackpot prize ang Team TikTokerist sa 'Family Feud' Philippines ngayong Miyerkules, March 30.

Ang Team TikTokerist ay binubuo ng social media influencers na sina Christian Antolin, Ate Dick, Pipay, at Gaiapoly.

Nakabuo ang kanilang team ng 206 points sa final round ng nasabing game show kung kaya't nakuha nila ang Php 200,000 jackpot prize.

Sa episode na ito nakalaban ng mga reyna ng social media ang Team Dancerist na binubuo ng mga idol sa dance floor na sina DJ Loonyo, Mannex Manhattan, Faye Protacio at Rheggie Lunio.

Ang Team TikTokerist ang ikalawang grupo na nanalo ng Php 200,000 jackpot prize sa 'Family Feud' Philippines sa edisyon nito ngayong taon.

Una itong naiuwi ng Team Beki o reyna ng mga comedy bars na sina Petite, Pepay, Beki, at Osang noong nakaraang linggo sa pilot week ng nasabing programa.

Samantala, makakatanggap din ng Php 20,000 ang chosen charity ng Team TikTokerist.

Tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world class studio ng Family Feud sa gallery na ito.